Sunday, July 18, 2010

MGA PAMAMARAANG SUSUNDIN SA PAG-UULAT NG MGA EPIKO
Pangkatang Gawain sa Filipino, Unang Kwarter, Taong Akademiko 2010-2011



1. Binubuo ng limang (5) kasapi ang bawat pangkat para sa gawaing ito. Pangungunahan ito ng isang pinuno, isang katuwang na pinuno at mga kasapi. Ang bawat isa ay inaasahang makibahagi nang aktibo ayon sa inaasahan at napagkasunduan ng pangkat.

2. Bawat pangkat ay nakatakdang mag-ulat ukol sa isang epiko mula sa isang partikular na lalawigan.

3. Magsasaliksik ang bawat pangkat ukol sa kasaysayan at kabuhayan ng lalawigang pinagmulan ng epikong nakatakda nilang iulat sa harap ng klase.

4. Ang bawat pangkat ay kinakailangang bumuo ng 7-10 mga batas panlipunan na nakabatay sa mga pangyayari sa epiko.

5. Kailangang ilahad ang buong kuwento ng epikong iuulat.

6. Responsibilad ng bawat mag-aaral na alamin ang kuwento ng bawat epiko.
Tandaan : May pagsusulit bago ang bawat pag-uulat.

7. TULONG BISWAL : Ang mga batas panlipunan ay kailangang nakasulat nang malalaki at malikhain upang malinaw na maipresenta sa harap ng guro at klase.
- Gawing kapana-panabik at kawili-wili ang pag-uulat sa epiko, maging malikhain.
- Ang paggamit ng mga viewing rooms (Learning Center, Art Center) at LCD projector (maging VHS player, DVD player, TV) ay kinakailangang maitakda agad isang linggo bago ang araw bago ng pag-uulat.

8. Sa pag-uulat sa harap ng klase, kinakailangang maipaliwanag ng bawat pangkat ang ugnayan ng batas na kanilang binuo at mga pangyayari sa epiko.

9. Maaaring hamunin o bigyan ng iba pang interpretasyon ng mga nakikinig ang batas at pangyayaring pinag-uugnay. Kailangang humanda ang bawat pangkat na nag-uulat na sagutin ang mga hamon o tanong na ito.

No comments:

Post a Comment

Include your name, please.